Paanno Mo Sisiskapin Na Mabuting Tao
Paanno mo sisiskapin na mabuting Tao
Ang pagiging mabuting tao ay kadalasan ng binibigyang pakahulugan ng kung ano ang tingin ng tao na mabuti. Pero tandaan na ang salitang kabutihan o mabuti ay isang kalagayan ng pagiging mahusay o matatag sa moralidad. Kaya naman wala ng hihigit sa Bibliya kung paano niya ito ipaliliwanag. Mabuting magbigay pansin sa sinasabi nito upang matiyak mo paano mo sisikapin na maging mabuting tao.
Mateo 7:12 Kaya lahat ng gusto ninyong gawin ng mga tao sa inyo, iyon din ang gawin ninyo sa kanila. Sa katunayan, ito ang pinakadiwa ng Kautusan at mga Propeta.
Gawa 20:35 May higit na kaligayahan sa pagbibigay kaysa sa pagtanggap.
Roma 12:17-21 Huwag gumanti kaninuman ng masama para sa masama. Gawin kung ano ang mabuti sa pananaw ng lahat ng tao. Kung posible, hangga't nakadepende sa inyo, makipagpayapaan kayo sa lahat ng tao. Huwag ninyong ipaghiganti ang inyong sarili, mga minamahal, kundi bigyang-daan ninyo ang poot; dahil nasusulat: "'Akin ang paghihiganti; ako ang gaganti,' sabi ni Jehova." Kundi "kung nagugutom ang kaaway mo, pakainin mo siya; kung nauuhaw siya, bigyan mo siya ng maiinom; dahil sa paggawa nito, makapagtutumpok ka ng baga sa ulo niya." Huwag kang padaig sa masama, kundi patuloy na daigin ng mabuti ang masama.
Mauunawaan mo sa mga nabanggit na mga teksto sa Bibliya na higit na binibigyan ng pansin ang pag-una sa kapakanan ng iba kaysa sa sariling kaalwanan. Nagpapakita ito ng kabutihan ukol sa paglilingkod. Marami pang ibang mga teksto na nagpapakita ng kabutihan.
Comments
Post a Comment