Ano Ang Naging Resulta Ng People Power Revolution
Ano ang naging resulta ng people power revolution
Dahil sa People Power Revolution ay napabagsak ang pamahalaang diktatoryal ni pangulong Ferdinand Marcos. Siya ay lumisan ng bansa kasama ng kanyang pamilya at nagtungo sa Hawaii. Napatalsik siya sa pagiging pangulo at pinalitan siya ni Corazon Aquino bilang pangulo ng Pilipinas.
Ano ang People Power Revolution?
Ang People Power Revolution o Rebolusyon sa EDSA ng 1986 ay isang mapayapang demonstrasyon ng pagpapatalsik kay dating pangulong Ferdinand Marcos. Ito ay naganap noong February 25, 1986 sa Edsa. Isinagawa ito sa pamamagitan serye ng pagprotesta ng mga tao na umabot ng apat na araw. Kabilang sa mga nakilahok ay ang mga sibilyan, militar at mga alagad ng simbahan.
Ang Rebolusyon sa Edsa
Tinatayang nasa isa hanggang tatlong milyong katao ang nagpunta sa EDSA at nakilahok sa protesta. Sila ay mga walang dalang ibang sandata kundi rosaryo at imahe ng Birheng Maria. Nagsagawa sila ng prayer vigil na pinamunuan ng mga pari at madre. May mga gumawa din ng mga harang gamit ang mga sako ng buhangin at mga sasakyan sa mga kanto sa kahabaan ng Edsa. May mga grupo na kumakanta ng "Bayan Ko" na isang makabayang awit ng oposisyon. Marami ding tao ang gumamit ng sagisag pang-kamay ng LABAN at nagsipagkapit-bisig ang mga ito para harangin ang mga sundalo. Sa kabila ng mga banta sa kanila, sila ay hindi umalis. Walang nagawa ang mga sundalo at kalaunan umurong nalang sila ng hindi man lang nagpapaputok.
Kahalagahan ng People Power Revolution
1. Napawalang bisa ang Saligang Batas 1972 at napalitan ito ng Saligang Batas 1987 na nagsaad na hindi na maaaring tumakbo muli ang isang Presidente ng bansa.
2. Naging daan ito sa pagpapatalsik kay Ferdinand Marcos bilang pangulo ng bansa.
3. Nanaig ang kapangyarihan ng taong bayan laban sa gobyerno.
4. Naging simbolo ng pagkakaroon ng demokrasya ng bansa.
5. Nakamit ang kalayaan ng mga tao laban sa batas militar na ipinatupad ni Marcos.
6. Naipakita ang pagkakaisa ng mga tao.
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa paksang ito, maaaring magpunta sa link na ito: Ibigay ang kahulugan ng people power revolution sa bayan mga pilipino?: brainly.ph/question/1265304
#LetsStudy
Comments
Post a Comment